VAT SA SYSTEM LOSS CHARGE NG KURYENTE, TINANGGAL NA


 

Pormal nang tinanggal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang value-added tax sa allowable system loss charge na nakikita sa electricity bills.

Ayon sa ahensya, ang naturang hakbang ay alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni Finance Secretary Frederick Go na maibsan ang mataas na binabayan sa kuryente ng mga konsumidor.

Dagdag pa rito, kinilala ng BIR ang allowable system loss bilang isang government-mandated charge pass-through cost at hindi kita ng mga power company. Kung kaya’t hindi dapat ito isama sa gross sales na pinapatawan ng VAT.

Ipinaliwanag din ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza na hindi dapat nagbabayad ang mga konsumidor ng VAT para sa kuryenteng hindi naman aktuwal na nakararating sa kanilang bahay o negosyo.

Aniya pa, sa pag-alis ng VAT sa naturang charge ay inaasahang mababawasan ang halagang ipinapasa sa mga konsumidor.

Nauna nang sinabi ng ERC na maaaring makatipid ang mga consumers dahil sa pagtanggal ng VAT sa system loss lalo na’t isa sa mga suliranin ng ilang mamamayan ang mataas na singil sa kuryente.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito