2 AKTIBONG PULIS, ARESTADO SA 'PNP SLOT SCAM'

 


Huli sa entrapment operation ang limang indibidwal kabilang ang dalawang aktibong pulis na sangkot sa umano’y ‘PNP slot scam’ na target ang mga aplikante ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa ulat, unang nadakip sa operasyon ang tatlong sibilyan sa San Fernando, Pampanga na umano’y tumanggap ng marked money mula sa isang 29-anyos na PNP applicant kapalit ng pagpapasok sa serbisyo.

Sinasabing unang humingi ng P250,000 ang grupo mula sa biktima bago ito binaba sa P150,000.

Sa isang follow-up operation, nahuli ang dalawang sangkot na mga pulis na kinilala bilang isang police lieutenant sa Quezon City at isang patrolman sa Camp Olivas, Pampanga.

Agad namang dinala sa CIDG Regional Field Unit 3 ang limang suspek para sa booking procedures at inihahanda na ang mga kaukulang reklamo laban sa kanila. 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito