Nakumpiska ng
mga awtoridad ang mahigit P83-milyong smuggled na sigarilyo mula sa isang
warehouse sa Bocaue, Bulacan nitong Abril 24, 2025.
Ayon kay BOC-CIIS
Director Verne Enciso, narekober sa warehouse ang nasa 717 master cases ng
assorted branded ng mga sigarilyo gayundin sa anim pang mga trak ay puno din ng
smuggled na sigarilyo.
Ilan sa mga cigarette
brands na nakuha ang Modern, TS, Two Moon, Tattoo, Fort, H&P, Xplore,
Carnival, Concord, RGD, Marvels, Chesterfields,
at New Orleans.
Samantala,
aabot naman sa kabuuang P83,700,000 ang halaga ng naturang mga sigarilyo na
nakumpiska sa warehouse.
0 Comments