Nabisto ang
isang pulis na tumanggap ng suhol mula sa isang babaeng pasahero na hinarang sa
Clark International Airport.
Ayon sa Supreme
Court, hinarang ang babaeng pasahero sa paliparan noong 2011 matapos lumampas
sa P10,000 cash ang dala nitong pera na hindi pa pinapayagan noon.
Agad naman
siyang humingi ng tulong sa nakatalagang pulis upang hindi ma-delay sa kaniyang
flight.
Sa halip na
legal na solusyon ang ibigay sa kaniya, sinagot lamang siya ng opisyal na, “Kung
ano maluwag sa iyo.”
Kung kaya’t
nagbigay umano ng P5,000 ang babae para payagang makasakay sa kanyang flight.
Dahil dito,
nagsampa siya ng reklamo na nauwi sa dismissal ng pulis dahil sa grave
misconduct.
Mas lalo pang
pinagtibay ang dismissal National Police Commission, Office of the President at
Court of Appeals.
.jpg)
0 Mga Komento