Ipinag-utos ng gobyerno ng Denmark ang pagbabawal sa pagbebenta ng ilang mga instant ramen noodle na produkto ng South Korean company na Samyang dahil sa masyadong mataas na lebel ng anghang.
Ayon sa report ng BBC, kasama sa mga pina-recall na produkto ay ang "Buldak 3x Spicy & Hot Chicken," "2x Spicy & Hot Chicken," at "Hot Chicken Stew."
“If you have the products, you should discard them or return them to the store where they were purchased," suno sa ahensya.
Binalaan naman ang mga magulang sa naturang bansa na kung sakaling magkaroon ng sintomas ng acute poisoning ang kanilang mga anak pagkatapos kumain ng maanghang ay agad makipag-ugnayan sa Poison Line ng nasabing bansa.
Nabatid na ito ang unang beses na may nag-utos na ma-recall ang mga produkto dahil sa sobrang anghang, simula nang ma-release ang noodle line noong 2012 at sumikat sa buong mundo.
0 Comments