AFP, INILATAG ANG ILANG MGA MILITARY ASSET PARA SA BARMM ELECTIONS

 


Ilang mga kagamitang pandigma ang ipinakalat ng Armed Forces of the Philippines o AFP para sa gaganaping eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa darating na September 14, 2026.

Hindi lang mga military asset sa lupa ang kanilang inilatag kundi pati na sa panghimpapawid at pangdagat.

Kabilang sa mga pangunahing kagamitang militar na nakatalaga ang mga sumusunod:

FA-50 - supersonic light combat aircraft ng Philippine Air Force na maaaring gamitin para sa air security at rapid response.

S-70i Black Hawk- utility helicopter na maaaring magsagawa ng troop transport, mobility at iba pang support missions.

Super Tucano - light attack aircraft na idinisenyo para sa close air support, surveillance at counter-insurgency operations.

T129 ATAK- attack helicopter na may kakayahang magbigay ng armed aerial support sa mga ground unit.

MD-520MG - light attack/reconnaissance helicopter na ginagamit para sa aerial observation at support operations.

Sabrah Light Tank - armored fighting vehicle na nagbibigay ng firepower at proteksiyon sa mga ground forces.

ATMOS truck-mounted howitzer - mobile artillery system na naka-install sa heavy-duty truck para sa mabilis na deployment at repositioning.

Fast Attack Interdiction Craft-Missile (FAIC-M) -mabilis na missile-capable naval craft na bahagi ng maritime security capability ng AFP.

Ang naturang pag-deploy ng mga military asset ng AFP ay bahagi ng pagsuporta sa seguridad sa mga lugar na sakop ng halalan.

Ayon sa AFP, layunin nilang mapanatiling ligtas at payapa ang halalan gayundin, mabigyan ng proteksyon ang mga botante at polling precincts sa rehiyon.

Samantala, nauna nang ipinahayag ng AFP na nag-deploy sila ng nasa 12,000 na mga sundalo at CAFGU members bilang bahagi ng kanilang security measures para makaboto ng maayos ang mga botante sa makasaysayang Bangsamoro elections.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito