Aprubado na
ng Senado ang Senate Bill No. 2272 o ang “Expanded National Nutritional Program
Act”, matapos makatanggap ng 19 na affirmative votes.
Sa ilalim ng
Senate Bill No. 2722, palalawakin nito ang umiiral na school feeding program sa
mas malawak na program sa nutrisyon na magbibigay ng mas masustansiyang pagkain
at nutrition support sa mga kwalipikadong mag-aaral at iba pang mga grupong
vulnerable.
Layunin ng
naturang programa na masolusyunan ang gutom, malnutrisyon, pagkabansot at hirap
sa pag-aaral ng mga kabataang Pilipino.
Saklaw din sa
programa ang mga nagdadalantaong estudyante at mga pamilyang naninirahan sa mga
liblib at mahihirap na komunidad.

0 Mga Komento