BABAE SA US, KINASUHAN ANG DIYOS MATAPOS TAMAAN NG KIDLAT ANG BAHAY NITO

 


Kakaibang legal case sa kasaysayan ng United States ang inihain ng isang babaeng Amerikana noong 1969 matapos nitong kasuhan ang Diyos at nag-demand pa ng $100,000 na danyos sa pagkasunog ng bahay nito.

Ayon sa report, "negligence to control the weather" o pagpabaya sa pagkontrol ng panahon ang inihaing reklamo ng babae nang tamaan ng kidlat ang kaniyang bahay.

Sa halip na isisi sa electrician o kumpanya ng kuryente ang insidente, direkta nitong kinasuhan ang Diyos sa insidente.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen kung saan pabiro nilang komento na si Thor ang totoong dapat managot at sa likod ng kidlat.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito