Nananatili pa
din sa listahan ng World’s Richest People ng Forbes Magazine 2025 ang 15
Filipino tycoons sa pangunguna ni real estate mogul Manuel Villar.
Nagtala si
Villar ng net worth na $17.2 billion. Sinundan ito ni Enrique Razon, isang
ports at casino tycoon, na may humigit-kumulang $10.9 billion na yaman.
Pangatlo
naman si San Miguel Corp. chairman Ramon Ang na may $3.7-billion net worth.
Sumunod si Lucio Tan na may $3 billion.
Gayundin,
nasa listahan din ang anim na mga anak ng pumanaw na SM group founder na si
Henry Sy Sr.
·
Henry
Jr. ($2.3 billion);
·
Hans
($2.2 billion),
·
Herbert
($2.1 billion),
·
Harley
($1.9 billion),
·
Teresita
($1.9 billion); at
·
Elizabeth
($1.7 billion).
Kasali din sa
naturang listahan ang newcomer na si Eusebio Tanco na umani ng malaking kita sa
online gaming firm na Digiplus Interactive Corp.
Samantala, naungusan
naman ni Elon Musk at nakuha ang top spot mula kay French luxury goods titan
Bernard Arnault sa World’s Richest People ng Forbes Magazine 2025.
Si Musk ang
kauna-unahang tao na nakaabot ng $300 billion net worth na maituturing na
record-breaking ng Forbes Magazine.
0 Comments