Agaw-pansin sa social media ang panibagong post ng aktres at content
creator na si Ivana Alawi matapos ianunsyo na mamamahagi ito ng dalawampung
motorsiklo.
Sa kaniyang pinakabagong vlog, ipinakita nito ang 20 motorsiklo na
kaniyang ipapamahagi sa maswerteng netizens sa buong bansa.
Agad naman itong umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens kung
saan marami ang natuwa at namangha sa laki ng kanyang gagawing giveaway, lalo
na ang mga umaasang mapalad na makakatanggap nito.
Matatandaang nagbigay din ng tulong si Alawi sa mga residenteng apektado
ng pagbaha sa Apalit, Pampanga kung saan naging kontrobersyal ito matapos isagawa
ang pamamahagi sa mabahang lugar.
0 Mga Komento