FILIPINO TOURISTS, BINULLY NG KAPWA PILIPINO SA SWITZERLAND




Ibinahagi ng isang turistang Pinoy ang naranasan nitong pambu-bully mula sa mga kababayan habang nagbabakasyon sa mga sikat na destinasyon sa Switzerland.

Sa isang Facebook post, nangyari ang insidente sa Iseltwald Pier kung saan nagpapa-picture ang magkakaibigan sa naturang tourist destination.
Habang nasa gitna ng pictorial, bigla na lang nagkomento ang grupo ng mga Pilipino.

“One second lang dapat every picture!” sabi ng isang matandang Pinoy.

“Sayang, ’di nalaglag!” saad naman ng isa.

Bagama’t nakaramdam ng hiya ay pinilit nalang ng magkakaibigan na ipagsawalang-bahala ang mga pinagsasabi ng kanilang kababayan.

Kinalaunan, humingi ng paumanhin ang isa sa mga kasama ng naturang grupo at inaming wala silang intensyon na saktan ang magkakaibigan kundi nagbibiruan lamang sila.

Pinatawad naman ng magkakaibigan ang naturang grupo ngunit pinaalalahanan nila ang mga Pilipino na itrato ng tama at respetuhin ang isa’t isa lalo na kapag bumabiyahe abroad.

“Bitbit natin ang pangalan ng bansa natin saan man tayo magpunta. Respect begets respect,” anito.

“Sana matuto tayong maging ligtas na lugar para sa isa’t isa—hindi ang mismong dahilan ng trauma ng kapwa natin Pilipino,” dagdag pa nito.

via Reamae Bagotsay


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito