Pinapakansela
ni Sen. Raffy Tulfo ang planong pag-donate ng bansa ng humigit-kumulang P620
milyon sa World Health Organization (WHO).
Ayon kay
Tulfo, mas mabuting ilaan ang naturang pondo sa medical needs ng mga Pilipino, lalo
na ang pangangailangan sa mga ospital, gamot at iba pang serbisyong
pangkalusugan.
Giit pa ng
senador na dapat isaalang-alang muna ang kapakanan ng bansa sa halip na ilaan
ito bilang donasyon sa isang international organization.
Matatandaan
noong October 2024, nangako si dating Health Secretary Teodoro Herbosa na
magbibigay ang Pilipinas ng $10 milyon sa WHO. Kung saan, ang pera ay
nakatakdang ibigay sa apat na taunang hulog na tig-$2.5 milyon mula 2025
hanggang 2028.

0 Mga Komento