“SEA-VEN ELEVEN”, TAMPOK SA NEGROS ORIENTAL

 


Agaw-atensyon ang isang floating sari-sari store sa Manjuyod Sandbar sa Bais, Negros Oriental ang kakaibang bersyon ng paboritong tindahan ng mga Pilipino.

Kadalasan, nakikita lamang ang mga sari-sari store sa gilid ng kalsada ngunit ginawan ito ng bersyon na pwedeng mag-ikot sa karagatan at ito na ang lalapit sa mga turista.

Gamit ang isang bangka, pinuno ito ng mga tinda na karaniwang nakikita sa mga sari-sari store.

Aliw na aliw naman sa naturang konsepto ang mga turista lalo na ang mga banyaga sa pagiging ‘creative’ at madiskarte ng mga Pinoy.

Dahil sa kakaibang setup, pabirong tinawag ito ng travel blogger na “SEA-ven Eleven”.

Sa kabila ng pagkakamangha ng ilang netizens, may ilan ding nagpahayag ng pagkabahala tungkol sa posibleng basura mula sa plastic packaging, kaya mahalagang parehong turista at vendor ay responsable sa pagtatapon at pag-iipon ng basura upang mapanatiling malinis ang dagat.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito