Wagi ang
Ateneo de Manila University School of Law sa Stetson International
Environmental Moot Court Competition, isa sa mga nangungunang international
environmental law moot court competitions sa buong mundo.
Ginanap ang
2026 International Finals sa Gulfport, Florida kung saan nilahukan ito ng 22
mga grupo mula sa 12 bansa ng limang kontinente, ang Bangladesh, Brazil, China,
Colombia, India, Ireland, Kenya, Pakistan, Pilipinas, Republic of Korea,
Singapore, at United States.
Tinanghal na
kampeon ang Ateneo matapos talunin ang kapwa Pilipinong kinatawan ng West Visayas
State University College of Law sa all-Filipino championship round.
Habang, umabot
naman sa semifinals ang Peking University School of Transnational Law of China
at Singapore Management University.
Ang grupo ng
Ateneo ay binubuo nina Dana Mica Torregosa, John Matthew A. Tuazon, Dorothy
Tuazon, at Ralf Michael Borja, kasama ang kanilang mga coach na sina Atty. Ian
Dominic II Mallillin, Atty. Deanne Marieli Pangan, at Atty. Isabelle Beatriz
Ginez.
Matatandaang
nabigo ang Ateneo na makuha ang kampyeonato noong 2007 ngunit ngayong taon ay
napagtagumpayan nilang masungkit ito.
Maliban sa
pagkakapanalo ng grupo, kinilala din ang isa sa kanilang miyembro na si Matthew
A. Tuazon bilang Best Oralist in the Preliminary Rounds na nanguna sa mahigit
70 na mga katunggali.
Ang Stetson
International Environmental Moot Court Competition ay itinatag noong 1996 at
kinikilala bilang pinakamalaking moot court competition sa buong mundo na eksklusibong
nakatuon sa pandaigdigang isyu sa kalikasan.

0 Mga Komento