BATO NA PANGHARANG SA PINTO, MILYON PALA ANG HALAGA


 

Walang kaalam-alam ang isang ginang na ang napulot nitong bato na ginawang doorstop o harang sa pinto ay aabot pala sa one million euros.

Sa isang ulat, nadiskubre ng isang babae ang 3.5 kilos na pulang bato sa stream bed sa southeast Romania at halos ilang dekadang ginamit bilang pangharang sa kaniyang pinto.

Nang ito ay pumanaw noong 1991, minana ng isang kamag-anak ang kanyang ari-arian at napansin ang 'bato'.

Nang malaman nito na hindi pangkaraniwan ang naturang bato, ibinenta niya ito sa Romanian state at ipinasuri sa Museum of History sa Krakow sa Poland kung saan nadiskubre na nagkakahalaga pala ito ng one million euros, o $1.1 million, katumbas ng humigit-kumulang P61.4 milyon.

Ito ang kuwento ng semi-precious stone na itinuturing ngayong isa sa pinakamalakiang amber nuggets sa mundo, ayon sa ulat ng El Pais.


Maging ang mga magnanakaw ay nakadalaw na sa bahay pero iniwan ang bato, hindi alam na dala-dala pala nila ang halos hindi mapresyong yaman. Nang malaman ang tunay na halaga, nagbago ang tingin sa simpleng harang sa pinto.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito