Sinong mag-aakala
na isa ka pa lang prinsipe?
Isang
26-anyos na dating car salesman ang opisyal na naging Belgian Prince matapos
lumabas sa DNA test na siya ang biological na anak ni Prince Laurent, ang
pinakabatang kapatid ni King Philippe.
Si Clément
Vandenkerckhove ay ipinanganak noong August 2000 sa isang Flemish singer na si
Wendy Van Wanten na nakipagrelasyon kay Prince Laurent noong 1990s.
Pagtungtong
ni Clément sa edad na 16-anyos ay ipinaalam sa kaniya ng ina ang
pagkakakilanlan ng ama. Agad niyang kinontak ang ama at sumailalim sa DNA test
kung saan napatunayang anak nga siya ni Prince Laurent.
Kinalaunan ay
inirehistro ni Prince Laurent ang pagiging ama kay Clément sa civil registry ng
Belgium.
Si
Vandenkerckhove ay may karapatan na ngayon sa equal share ng pribadong
ari-arian ni Laurent kasama ang kanyang tatlong kapatid sa ama, ngunit hindi
siya tatanggap ng anumang royal allowance, hindi gaganap ng anumang opisyal na
tungkulin, at walang karapatang umupo sa trono ng Belgium.

0 Mga Komento