Bumuo ang Department of Energy (DOE) ng joint task force upang ihanda ang mga teknikal, regulatory at legislative measure para alisin ang system loss charges at kaakibat nitong value-added tax (VAT) sa electricity bills ng mga konsumer.
Nabatid na magsusumite ang task force ng mga teknikal na rekomendasyon sa Senado at Kamara upang makatulong sa pagbuo ng batas para sa mas mura, maaasahan at matatag na sektor ng enerhiya.
Magsusulong din ang task force ng mga hakbang upang mabawasan ang system loss sa pamamagitan ng mas mahusay na operasyon, pinaigting na pagpapatupad ng batas laban sa pagnanakaw ng kuryente at modernisasyon ng distribution networks.
Kabilang sa task force ang Energy Regulatory Commission (ERC), National Electrification Administration (NEA) at mga electric cooperative

0 Mga Komento