LALAKI SA GREECE, ITINAGO ANG PATAY NA KATAWAN NG AMA UPANG PATULOY NA MAKUHA ANG PENSION

 


Arestado ang isang lalaki sa Greece matapos nitong itago ang namatay na ama sa isang freezer sa halos dalawa at kalahating taon.

Ayon sa ulat, una nang sinabi ng lalaki na sa Athens na naninirahan ang ama nito.

Gayunpaman, nadiskubre ng mga awtoridad ang katawan ng 90-anyos na ama ng suspek sa loob ng freezer sa isang basement ng dating hotel na ginawang housing.

Napag-alaman na kaya itinago ng lalaki ang labi ng namayapang ama upang patuloy nitong makolekta ang pensyon nito.

Nakapiit na sa kulungan ang 55-anyos na lalaki sa Mystras sa Peloponnese sa Greece at nahaharap sa kaukulang kaso.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito