SOUTH KOREA, ILULUNSAD ANG REAL-LIFE “TEACH YOU A LESSON” TEACHER PROTECTION TEAM

 


𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗞-𝗗𝗥𝗔𝗠𝗔 𝗧𝗢 𝗥𝗘𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬?

Maglulunsad ang Gyeonggi Provincial Office of Education (GPOE) sa South Korea ng isang ‘Teacher Rights Protection System’ upang palakasin ang suporta sa mga gurong nahaharap sa malisyosong reklamo at iba pang paglabag sa kanilang mga karapatan.

Ayon sa mga ulat, mahigit 1,800 katao ang nag-apply para sa 50 part-time Teacher Rights Protection Officer positions, dahilan upang pag-aralan ng GPOE ang posibilidad na dagdagan ang bilang ng mga tatanggapin.

Para sa naturang posisyon, makikipagtulungan ang mga opisyal sa mga abogado, doktor, counselor, at education officials upang magbigay ng legal, psychological, at administrative support sa mga guro mula sa paghahain ng reklamo hanggang sa tuluyang maresolba ang kanilang mga kaso.

Bagama't sinasabing naging inspirasyon ng programa ang isang sikat na fictional drama na “Teach You A Lesson” kung saan tampok ang Education Rights Protection Bureau (ERPB) na siyang responsable sa pagbabalik ng kaayusan sa mga magulong eskwelahan, pagbibigay ng proteksyon sa mga biktima ng bullying, at pagdidisiplina sa mga ‘delinquent’ na estudyante gamit ang unconventional at puwersahang pamamaraan.

Nilinaw ng GPOE na ang kanilang sistema ay nakabatay sa umiiral na batas at administratibong proseso at hindi sa anumang uri ng karahasan.

Layunin ng inisyatibong ito na magtatag ng isang one-stop support system para sa mga guro.

Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang talakayan kung kinakailangan pa ng mas matibay na mga hakbang sa legislative upang higit na maprotektahan ang kaligtasan, karapatan, at awtoridad ng mga guro sa South Korea.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito