SANA ALL!
Tatanggap ng
tig-P20,000 ang nasa 5,000 na mga empleyado sa Kapitolyo bilang anniversary
incentive at mayroon pang 25-kilo ng bigas.
Ang naturang
inisyatibo ay kaparte ng pagdiriwang sa ika-457 founding anniversary ng probinsya
sa Sugbo sa Cebu.
Bahagi din
ito ng pasasalamat ni Gobernador Pamela Baricuatro sa mga empleyadong
naghahatid ng serbisyo sa publiko.
Ayon sa ulat,
saklaw ng incentives ang 5,070 na mga empleyado na nasa posisyong permanent, casual,
job order, coterminous, contract of service at elected officials na naglingkod
nang hindi bababa sa isang buwan bago ang anibersaryo.
Maliban sa
cash incentives at 25-kilo ng bigas, may pa-raffle ang pa ang gobernadora na
isang motorsiklo, walong JBL speakers, walong laptop, walong tablet, at
dalawang hotel stay packages para sa mga empleyado.
0 Mga Komento