HIGANTENG GAGAMBA SA LOOB NG BAHAY, NAKAKATULONG SA HALIP NA KATAKUTAN

 




ALAM NIYO BA | Hindi dapat katakutan ang malaking gagamba na karaniwang nakakapit sa dingding ng inyong bahay.

Karamihan sa atin kapag nakakakita ng malaking gagamba, agad natin itong pinapatay o tinataboy. Ngunit, ayon sa mga eskperto, ang mga malalaking gagamba ay ginagawan pa tayo ng pabor.

Ang Huntsman Spider ay isa sa mga pinakamalaking gagamba na karaniwang matatagpuan sa mga kabahayan sa Pilipinas.

Sa kabila ng nakakatakot na laki at mahahabang binti nito, ito ay isang ‘fast, fearless hunter’, at hindi mapanganib na house invader.

Kasalungat sa mga orb-weaving spiders na naghihintay sa mga sapot, ang Huntsman Spiders ay aktibong nagpapatrolya sa mga dingding, kisame, at madidilim na sulok upang maghanap ng kanilay prey.

Ang mga Huntsman Spider ay mabilis, may matalas na paningin, at tila flash-like na reflexes sa paghuli ng mga insekto bago pa man sila makatakas.

Sila ang nagsisilbing pest control patrol sa loob ng bahay tuwing gabi.

Ilan sa kanilang inaatake ang mga ipis, lamok, langaw, kuliglig, mga maliliit na tuko, malalaking insekto at ibang mga gagamba.

Sa halip na gumawa ng mga panggulong sapot sa loob ng bahay, mas pinipili nilang maglibot ng tahimik at nagha-hunting ng mga pesteng hindi mahuli-huli ng ibang hayop.

Samantala, kahit may taglay na venom ang nasabing gagamba, ginagamit nila ito bilang armas sa pag-atake sa kanilang insect prey. Wala ding napapatunayan na delikado ito sa mga tao dahil mas pipiliin ng mga Huntsman Spider na lumayo sa halip na lumaban.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito