Kalunos-lunos
ang sinapit ng isang pamilya sa India nang dahil lamang sa isang mobile phone.
Ayon sa ulat,
humihiling ang 18-anyos na teenager ng bagong iPhone ngunit tinanggihan ito ng
kaniyang ama. Dahil sa sama ng loob, tumungo ang binatilyo sa bangin at doon
binantaan ang mga magulang upang mapapayag sa gusto nitong iPhone.
Sinubukan
naman siyang kausapin at pakalmahin ng mga residente sa lugar ngunit ayaw
nitong making.
Maging ang
ama ng binatilyo ay sinubukan siyang kausapin at ilayo mula sa bangin.
Gayunman,
nahulog ang binatilyo kasama ang ama na nakahawak sa kaniya.
Nang
masaksihan ito ng ina, sinubukan niyang iligtas ang mag-ama ngunit maging siya
ay nadulas at nahulog sa bangin.
Dahil dito,
nasawi sa hindi inaasahang pangyayari ang isang pamilya matapos hindi sinunod
ang kagustuhan ng anak.

0 Mga Komento