WALA NA RING GL-GL, KAYA HINDI NA KAILANGAN PUMILA O MAGMAKAAWA PA SA SINUMANG PULITIKO



Hindi na kakailanganin pang magkaroon ng guarantee letters o magpa-endorso sa mga politiko para makakuha ng medical assistance sa nation government, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kamakailang State of the Nation Address (SONA) ni PBBM, sinabi nitong maaari nang makapag-apply ang mga pasyente ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program ng Department of Health online sa pamamagitan ng eGovPH app at sa mga ospital ng DOH.

Tanging dalawang dokumento ang kailangang isumite ng mga pasyente para makapag-apply ng tulong-pinansyal sa medikal.

Aniya pa, malaking tulong ang mga umiiral na digital platforms para mapadali ang proseso at maalis na ang mga tradisyunal na guarantee letters at mahabang pila sa mga opisina ng gobyerno.

Samantala, ibinida din ng pangulo na umabot na sa mahigit 8 milyong mga pasyente ang nakakuha ng medical assistance sa ilalim ng MAIFIP program.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito