Ikinabahala
ng PHILRECA o Philippine Rural Electric Cooperatives Association ang posibleng
negatibong dulot ng tuluyang pagtatanggal ng system loss charge sa kuryente.
Ayon sa
PHILRECA, kung sakali kasing tuluyang tanggalin ang system loss charge ay may
posibilidad na malulugi ang mga electric cooperative kung walang subsidiya mula
sa pamahalaan.
Ang naturang
pagkabahala ay naungkat nang mabanggit ito sa kamakailang SONA ng pangulo na panahon
na upang itigil ang pagpapasa ng system loss sa mga konsumer dahil hindi naman
nila kasalanan kung bakit nagkawala ng kuryente sa transmission at distribution
system.
Gayunpaman,
labis itong ikinabahala ng PHILRECA at sinabing bagama’t suportado nila ang
panukala ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang VAT o value-added tax
sa system loss charge, pero dapat anilang sagutin ng gobyerno ang naturang
gastos kung tuluyang ipagbabawal ang paniningil nito sa mga consumer.
Binigyang-diin
din ng PHILRECA na ang tuluyang pagbabawal sa system loss charge nang walang
kapalit na pondo ay maaaring lumabag sa EPIRA o Electric Power Industry Reform
Act.

0 Mga Komento