PRESYO NG LANGIS LUMAGPAS SA $100 KADA BARILES SA WORLD MARKET



 

Naitala ang $100 na pagtaas sa kada bariles sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, nitong Huwebes.

 

Dahil dito, inaasahan na posibleng magdulot ng panibagong pagtaas sa presyo ng petrolyo, pamasahe at mga pangunahing bilihin sa mga bansang umaasa sa imported na langis.

 

Base sa report aabot sa pitong porsiyento ang itinaas at lumagpas sa $100 kada bariles ang international benchmark na Brent North Sea crude matapos salakayin ng Iran-backed Houthi rebels ang mga barkong dumaraan sa Red Sea.

 

Dahil dito nagbanta si US President Donald Trump ng “major military punishment” laban sa grupo, rason upang lumakas ang pangamba na lalo pang maaantala ang pandaigdigang suplay ng langis.

 

Nangako rin ang Iran na ipagpapatuloy nito ang mga pag-atake sa Gulf region hangga’t nagpapatuloy ang mga opensiba ng United States laban dito.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito