PAG-CONSUME NG ARTIFICIAL SWEETENERS, KAKAPANGHINA NG MEMORYA?

 


ALAM NIYO BA | Ang artificial sweeteners ay may kaakibat na hindi inaasahang peligro sa kalusugan ng tao.

Kadalasan, pino-promote ang artificial sweeteners bilang mas healthy na alternatibo sa asukal.

Ngunit, lumalabas sa pag-aaral na kapag ginagamit ito ng pang-matagalan ay may panganib na dulot sa kalusugan lalo na sa utak ng bawat tao.

Ayon sa mga eksperto, halos 13,000 na mga indibidwal ang nasubaybayan ng walong taon at natagpuang gumagamit ng maraming artificial sweeteners na nakakaranas ng mas mabilis na paghina ng memorya at maging ang abilidad sa pag-iisip ay unti-unting humihina.

Bagama’t tanging ugnayan lamang ang natuklasan sa pag-aaral, wala pa ding sapat na pruweba kung ang mga sweeteners ay direktang nagiging dahilan ng paghina ng cognitive.

Kung kaya’t patuloy ang masusing imbestigasyon long-term na epekto ng  artificial sweeteners sa brain health at healthy aging.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito