PAGBENTA SA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS, MARIING TINUTULAN NG GRUPONG ANVIK


 

Mariing kinondena ng grupong Alyansa ng Novo Vizcayano para sa Kalikasan (ANVIK) si Ferdinand Marcos Jr. sa pagbebenta ng mga natural na yaman ng bansa sa Canadian mining companies.

Ayon sa grupo, ang pagbebenta sa mga natural na yaman ng bansa ay siguradong magdudulot ng matinding pinsala sa kalikasan at pati na sa kabuhayan ng mga residente.

Kung matatandaan, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 4 ang pag-invest ng OceanaGold ng P1.9 billion sa bansa para suportahan ang pagpapalawak at pag-extend sa operasyon ng Didipio Gold-Copper Project ng hanggang 2037.

Ang naturang kumpanya ay aktibong nagmimina sa Barangay Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.


Isinagawa ang kasunduan noong bumisita ang pangulo sa Canada at nakipagpulong sa mga malalaking kumpanya ng minahan na nakabase sa Canada.

Plano din ng iba pang mga korporasyon mula sa Canada tulad ng B2Gold Corporation at Filminera Resources Corporation na mag-invest ng USD 14B sa 'di umano'y "solar plant and exploration project." Ang dalawang kumpanya rin ang kasalukuyang nagsasagawa ng Masbate Gold Project.

Giit ng grupo, hindi naman nakikinabang sa nasabing mga proyekto ang Pilipino kundi sila pa ang pinapahirapan sa mababang sahod, sakuna, kakulangan ng trabaho, at pagwasak sa komunidad at kalikasan.


Dahil dito, nanawagan ang grupo ng matinding pagtutol sa pagbebenta ng pangulo sa likas na yaman ng Pilipinas sa mga dayuhan para na rin sa kinabukasan ng bansa.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito