LALAKING KAPATID, NASAKSAK ANG UMANO’Y NAMBOSO SA BABAENG KAPATID


 

Sugatan ang lalaking inakusahan na namboso umano sa ate ng suspek matapos itong masaksak gamit ang isang bbq stick.

Sa ulat, narinig ng 22-anyos na si Jericho ang pagsigaw ng tulong ng ate nitong naliligo dahil sa napansing mayroong naninilip sa kaniya.

Inilarawan naman ng babae na ang namboso sa kaniya ay nakasuot ng dilaw na damit.

Nang hinanap ni Jericho ang naturang lalaki, napansin nito ang 36-anyos na si Reynold na tila kahawig sa inilalarawang namboso sa ate nito.

Kinompronta niya ito, ngunit agad namang tumanggi sa akusasyon si Reynold hanggang sa humantong ito sa mainit na diskusyon na nauwi sa pisikalan.

Dito na rin nagawang saksakin ni Jericho si Reynold ng barbecue stick.

Isinugod sa ospital si Reynold habang ikinustodiya ng pulisya si Jericho.

Nagpahayag naman ng pagsisisi si Jericho sa nangyari at inamin na namutawi ang galit kaya nagawa ang pananaksak.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito