MAG-ASAWA SA FRANCE, INARESTO MATAPOS MASAWI ANG KAMBAL NA SANGGOL SA HINIHINALANG DEHYDRATION


 

Inaresto ng pulisya sa France ang isang mag-asawa matapos masawi ang kanilang 15-buwang gulang na kambal na anak na babae sa bayan ng Beuvrages, sa hilagang bahagi ng bansa.

Ayon sa ulat, hinihinalang namatay ang dalawang sanggol dahil sa matinding dehydration o kakulangan ng tubig sa katawan.

Ang mga magulang mismo ang tumawag sa mga emergency responder matapos nilang matagpuang wala nang buhay ang kambal sa kanilang higaan.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad na ang apat pa nilang anak, na may edad tatlo hanggang anim na taong gulang, ay nakakaranas din ng dehydration. Kung kaya’t agad silang isinugod sa ospital at iniulat na nasa maayos nang kondisyon.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa eksaktong sanhi ng pagkamatay ng kambal. Kung saan, nakatakdang isasailalim sa autopsy ang mga labi ng mga bata.

Sa kasalukuyan, wala pang pormal na kasong isinampa laban sa mga magulang habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Samantala, nangyari ang insidente kasabay ng nararanasang matinding heatwave sa France, kung saan naitala ang napakataas na temperatura na nagdulot ng pagtaas ng bilang ng mga insidenteng may kaugnayan sa matinding init. Patuloy namang nagbabala ang mga awtoridad sa publiko na tiyaking sapat ang tubig at pangangalaga sa mga bata, matatanda, at iba pang mahihinang sektor ng lipunan sa panahon ng matinding init.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito