Isang napakahusay na ‘sweet revenge’ ang ginawa ng misis sa
mister nito matapos mahuli niyang may ibang babae ito.
Sa bansang Thailand, sa halip na sugurin ng misis ang asawa at
kerida nito, gumawa ito ng kasunduan na “husband rental agreement”.
Kung saan, papayagan niyang iparenta ang kaniyang asawa sa
ibang babae kapalit ng 30,000 Baht o tinatayang P47,000 kada buwan.
Gayunman, tumanggi ang mister sa kasunduan habang nagbabala
naman ang abogadong si Atty. Pat Anusorn na "void" o walang bisa ang
naturang kontrata sa ilalim ng batas ng Thailand dahil labag ito sa moralidad.

0 Mga Komento