Viral ang
dalawang indibidwal na inakyat ang pinakatuktok na tower ng Empire State
Building sa New York City.
Sa larawan,
makikita ang dalawang nakaitim na indibidwal na kumakapit sa antenna spire ng
naturang gusali na napag-alaman na may taas na 1,454 feet (443 meters).
Agaw-pansin
din ang hawak nilang banner na may nakasulat na, "When the power of love
beats the love of power the world knows peace."
Hindi naman
nabanggit sa ulat ang pagkakakilanlan ng dalawa ngunit hindi rin nagtagal ay
dahan-dahan silang bumaba sa bahagyang mas mababang plataporma sa istruktura ng
antena.
Dito na
nagsimulang lumuhod ang isa sa kanila at tila parang inaalok ng ‘marriage
proposal’ ang kasama nito.
Nakunan naman
ng aerial video ang dalawa na nagyakapan at tinapos ang umano’y proposal sa
isang halik.
Sa ngayon ay
wala pang inilabas na pahayag ang New York Police Department ukol sa pangyayari.

0 Mga Komento