Idineklara ng
Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tuluyang pagbuwag ng New People’s
Army’s (NPA) Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) kasunod ng
pagsuko ng natitirang miyembro nito sa Surigao del Sur.
Ayon sa Philippine
Army’s 4th Infantry Division (4ID), pormal nang sumuko ang limang miyembro ng NEMRC
sa pinagsamang-pwersa ng 401st Infantry Brigade at ng Philippine National
Police Special Action Force.
Kasabay ng
kanilang pagsuko, ang pag-turn-over ng carbine rifle, tatlong magazine, at 28
rounds ng ammunition.
Samantala,
sinabi ni Col. Glenn Joy Aynera, acting commander ng 401st Infantry Brigade,
boluntaryong sumuko ang naturang mga rebelde at nangakong susuporta sa
programang pangkapayapaan ng gobyerno.

0 Mga Komento