11-BUWANG SANGGOL, TATLONG BESES INUNTOG AT ISINILID SA SAKO NG LIVE-IN PARTNER NG TIYUHIN; SUSPEK, NAHAHARAP SA KASONG MURDER

 


[TRIGGER WARNING: SENSITIVI CONTENT]

Patay ang 11-buwang sanggol na babae matapos itong iuntog at isilid sa bag hanggang mabulok sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Kinilala ang suspek na tagapag-alaga na babae na live-in partner ng tiyuhin ng sanggol.

Ayon sa ulat, mismong ang suspek pa mismo ang nag-report sa pulisya ukol sa insidente.

Pahayag ng suspek, mayroon umaong dalawang lalaki na pumasok sa kanilang nirerentahang apartment at tinangay ang sanggol.

Ngunit, wala namang nakitang mga lalaki ang pulisya nang kanilang i-backtrack ang cctv.

Nang iimbestigahan na ang loob ng apartment, biglang nag-alinlangan ang 26-anyos na babae na siya ring nag-report sa pulisya.

Dito na nadiskubre ng mga awtoridad ang karumal-dumal na krimeng ginawa ng suspek sa sanggol kung saan pagdating sa lugar ay tumambad sa kanila ang masangsang na amoy mula sa isang sako bag at tila nilalangaw na.

Nang binuksan ay natagpuan ang katawan ng sanggol na naliligo sa sarili nitong dugo.

Boluntaryo na ring inamin ng babae na siya ang nasa likod ng krimen.

Selos at pagod ang lumalabas na motibo sa krimen base sa imbestigasyon ng pulisya.

Napag-alaman ng pulisya na nangibang bansa ang nanay ng biktima at ipinagkatiwala sakanila ang bata habang nasa probinsya naman ang ama nito.

Nakatakda namang humarap ang suspek sa kasong murder habang isinailalim sa autopsy ang labi ng sanggol.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito