MENOR DE EDAD, IMBES NA PAG-ASA NG BAYAN, NAGIGING SULIRANIN NG LIPUNAN

 



Nanawagan ng agarang aksyon mula sa pamahalaan ang isang guro sa San Carlos, Tukuran, Zamboanga del Sur matapos umanong pasukin ng mga out-of-school youth ang isang paaralan sa lugar.

Ayon kay Mayet Tubac, punong-guro ng Tukuran SPED Center, walang habas na pinasok at hinalughog ng mga suspek ang bawat silid-aralan, na pinaniniwalaang naghahanap ng pera at iba pang mahahalagang gamit.


Bagama’t naaresto ang mga suspek, agad din silang pinalaya dahil pawang mga menor de edad.

Ipinahayag ng punong-guro ang kanyang matinding pagkadismaya sa nangyari, lalo na’t matagal nang problema sa kanilang lugar ang pagkakasangkot ng ilang kabataan sa pagnanakaw at iba pang paglabag sa batas.

Aniya, kahit patuloy silang nagsasagawa ng mga hakbang upang matukoy at mahuli ang mga sangkot, nananatili pa ring hamon ang pagpapanagot sa mga menor de edad na lumalabag sa batas.

Dahil dito, nananawagan siya ng mas malawak na tulong at suporta mula sa pamahalaan at komunidad upang mabigyan ng pangmatagalang solusyon ang problema at maprotektahan ang paaralan, mga guro, at mga mag-aaral.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito