12-ANYOS, NAGPANGGAP NA NAKIDNAP PARA MAKAPANGIKIL SA MAGULANG

 


Arestado ang isang 12-anyos na batang babae matapos nitong magpanggap na na-kidnap sa Santa Catarina, Brazil.

Ayon sa ulat, nagsimula ang insidente nang mawala ang bata hanggang sa nakatanggap na ng text message ang magulang nito na ito ay nakidnap at humihingi ng ransom money upang mapakawalan ito.

Laman ng text messages ang mga pagbabantang sasaktan ang bata kapag hindi naibigay ang hinihinging ransom money ng umano’y kidnappers.

Sa takot, agad na ini-report ng mga magulang ang insidente sa awtoridad at sinimulan ang pag-iimbestiga.

Ilang oras ang nakalipas, bago pa man ang pag-aasikaso sa ransom money ay natagpuan ang bata sa isang bahay sa rural outskirts ng Itaiópolis.

Inakala ng mga awtoridad na makakasalamuha nila ang mga kidnappers ngunit laking gulat na tila na-prank sila. Pakana lang pala ito ng bata matapos umamin na gawa-gawa lamang niya ang kidnapping upang makapangikil ng pera sa magulang.

Dahil dito, agad na ikinustodiya ang 12-anyos na batang babae at kinasuhan ng extortion pero tila malabong haharap sa kaparusahan dahil sa pagiging menor de edad.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito