BULLYING AT OVERCROWDING, NAKAAAPEKTO SA PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL

 


Iminungkahi ng EDCOM II na higit pang pagbutihin ang ARAL Program upang mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral.

Batay sa isinagawang pag-aaral ng EDCOM II sa mga junior high school students ng President Corazon C. Aquino High School sa Port Area, Manila, natuklasan na ang bullying at overcrowding sa mga silid-aralan ay ilan sa mga pangunahing dahilan ng kawalan ng pokus ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Ayon din sa pag-aaral, may mga mag-aaral na hindi na pumapasok sa paaralan dahil sa takot na dulot ng bullying.

Bagama’t agad namang tinutugunan ng mga guro ang mga insidente, may ilang estudyanteng nagsasabing mas lumalala pa umano ang sitwasyon matapos itong iulat.

Bukod dito, kinakaharap din ng mga mag-aaral ang mga suliraning kaugnay ng siksikang pasilidad, mahinang bentilasyon, at hindi komportableng kapaligiran sa pag-aaral. Lalo pang naaapektuhan ang kanilang pagkatuto kapag nararanasan ang matinding init ng panahon.

Dahil dito, binibigyang-diin ng EDCOM II ang pangangailangang paigtingin at pinuhin ang mga programang pang-edukasyon upang matugunan hindi lamang ang academic na pangangailangan ng mga estudyante kundi maging ang kanilang kaligtasan at kapakanan sa loob ng paaralan.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito