MALAKING ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO, AASAHAN SA UNANG LINGGO NG HUNYO

 


OIL PRICE UPDATE| Inaasahan ang malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Hunyo, ayon sa isang source mula sa industriya ng langis.

 

Batay sa pagtataya ang presyo ng diesel ay posibleng bumaba sa P6.50 hanggang P7.50 kada litro.

 

Maaari namang mabawasan ang presyo ng gasolina ng P3.50 hanggang P4.50 kada litro.

 

Ayon sa source, bumababa ang pressure sa presyo ng krudo at refined fuel products dahil sa positibong pananaw na mas lumalapit sa kasunduan sa kapayapaan ang Estados Unidos at Iran, at sa posibilidad na muling mabuksan ang Strait of Hormuz. Sinabi rin nito na humuhupa ang kakulangan sa suplay ng diesel habang nakakahanap ang mga refinery ng alternatibong pinagkukunan ng krudo.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito