VP DUTERTE NANINDIGANG WALANG HURISDIKSYON SA PILIPINAS ANG MGA FOREIGN COURT RE: GULO SA SENADO

 

 

Ipinagtanggol ni Vice President Sara Duterte si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng tumitinding tensyon sa Senado kasunod ng insidente ng pamamaril at iba pang usapin sa seguridad.

 

Sa isang panayam sinabi ni Duterte na nalulungkot at nagagalit siya sa mga pangyayaring ito, na aniya ay nagpapakita ng kawalang respeto sa Senado bilang institusyon.

 

Binigyang-diin niya ang paninindigan na walang hurisdiksyon sa Pilipinas ang mga foreign court at tribunal maliban kung ito ay kinikilala at ipinapatupad ng lokal na hukuman. Ang pagpapahintulot aniya ng ganitong proseso sa ilalim ng isang Republic Act ay maaaring lumabag sa karapatan ng akusado sa ilalim ng Bill of Rights ng Konstitusyon.

 

Sa ngayon patuloy aniya itong nakikipag-ugnayan sa mga kaalyado sa Senado at tinitingnan ang mga paraan upang magbigay ng suporta kay Dela Rosa sa gitna ng kontrobersiya.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito