Planong palawakin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang
pag-export ng ube kasama ng iba pang produktong agrikultural ng Pilipinas.
Ayon sa ahensya, patuloy na tumataas ang bilang ng Philippine
exports para sa mga produktong agrikultural kung saan nangunguna ang niyog na
nakapagtala ng 34 porsyentong pagtaas.
Hindi rin nagpapahuli ang saging, pinya, at maging ang ube at
kalamansi sa paglago ng exportation.
Batay sa datos ng DTI, umabot sa $3.06 million ang halaga ng
exports ng mga produktong gawa sa ube noong 2025. Kabilang sa mga bansang
pinapadalhan nito ang United States, United Kingdom, Italy, at ilang bansa sa
Middle East.
Sinabi ng DTI na tuloy-tuloy ang paglago ng demand para sa
processed ube products tulad ng ube powder, puree, halaya, at flavor extracts.
Mayroon na rin umanong interes ang mga international
manufacturers na gamitin ang ube sa paggawa ng ice cream, baked goods,
beverages, at iba pang produkto.
Ayon pa sa ahensya, nagbubukas ito ng mas maraming oportunidad
para sa exporters na makapasok sa mas mataas na value market segments.
Patuloy din umano nilang tutulungan ang mga MSME at mga
magsasaka sa pamamagitan ng pagpapabuti ng quality standards at pagpapalakas ng
supply chains upang mas maging kompetitibo ang Philippine ube sa international
market.
Kumpiyansa rin ang DTI na lalo pang lalago ngayong taon ang
exports ng ube at iba pang produktong Pilipino sa posibleng paglagda ng free
trade agreements sa European Union, Chile, at Canada.

0 Mga Komento