Tinutulan ng grupo ng education stakeholders ang panukala ng
Commission on Higher Education (CHED) na bawasan ang general education (GE)
units sa kolehiyo.
Ayon sa grupo, maaaring humina ang kalidad ng edukasyon sa
bansa at malagay sa panganib ang libo-libong trabaho ng mga guro kapag itinuloy
ang plano.
Sa petisyong ibinahagi ng Alliance of Concerned
Teachers-Philippines, hiniling ng stakeholders sa CHED na bawiin ang panukalang
“Reframed General Education Curriculum Component” (RGECC) at magsagawa muna ng
“makabuluhang talakayan” upang makabuo ng curriculum na tunay na tumutugon sa
pangangailangan ng bansa.
Ayon sa kanila, inilalayo umano ng RGECC ang edukasyon sa
tradisyunal na liberal education na nagbibigay sa mga estudyante ng matibay na
intellectual foundation para sa demokratikong diskurso at pakikilahok sa
lipunan.
Iginiit din na hindi maaari na baguhin ang GE curriculum
hangga’t walang pormal na assessment sa kasalukuyang curriculum na ipinatutupad
sa ilalim ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2014.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento