TAG-ULAN SA BANSA POSIBLENG MAG-SIMULA SA HULING LINGGO NG MAYO


 

Posibleng magsimula ang tag-ulan sa bansa sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo, ayon sa PAGASA.

 

Napag-alaman base sa forecast models ng ahensya na posibleng magsimula ang rainy season sa mga susunod na linggo.

 

Sinusukat ng PAGASA ang dami ng ulan at direksyon ng hangin bago ideklara ang simula ng wet season.

 

Sa ngayon, nasa transition period na ang bansa mula tag-init patungong tag-ulan dahilan para makaranas ang Luzon ng mainit na panahon sa umaga at pag-ulan pagsapit ng hapon.

 

Samantala nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng pagbaha at landslide dulot ng mga thunderstorm sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito