PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, POSIBLENG TUMAAS

 


OIL PRICE UPDATE| Tinitingnan ngayon ang posibilidad na tumaas ng P1.00 hanggang P1.50 kada litro ang presyo ng gasolina, diesel, at kerosene sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy, batay sa trading sa Mean of Platts Singapore.

 

Base sa tala mas mababa ito ng humigit-kumulang P1 kumpara sa unang pagtataya batay sa unang dalawang araw ng trading.

 

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau director Rino Abad, bumaba ang presyo ng diesel mula $163 tungong $156 kada bariles sa ikaapat na araw ng kalakalan, kaya bahagyang nabawasan ang inaasahang pagtaas.

 

Maari rin aniyang bumaba ng humigit-kumulang P0.50 ang dagdag-presyo kung mananatiling stable ang galaw ng presyo sa huling araw ng trading.

 

✍️ TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito