KALIBO SB REBALDO PINUNA ANG TILA PAGTUTURUAN NG MGA KINAUUKULAN RE: MABAGAL NA USAD SA KONTRAKSYON NG PUBLIC MARKET

 


 

Tila nagtuturuan na ang Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO) at Engineering Department kung sino ang dapat sisihin sa hindi pa nasisimulan na bagong disenyo at sukat sa pwesto ng mga vendor sa bagong Kalibo Public Market.

 

Ito ang pahayag ni Kalibo Sangguniang Bayan member Raymar Rebaldo matapos magkaharap ang ilang vendors, contractor at iba pang mga kinauukulan sa session ng Sangguniang Bayan.

 

Dito natuklasan na may mga kailangan pang lagdaan ang mga vendors para masimulan ang konstraksyon ng napagkasunduan na sukat. Ito rin umano ang isa sa mga dahilan ng delay sa pagtapos ng naturang proyekto.

 

Ayon kay Rebaldo hindi man sila ang nag i-implementa sa proyekto ngunit ipinasiguro naman nitong gagawin nila ang tungkulin para mabatid ang mga rason sa delays hanggang sa tuluyan nang matapos ang public market at makalipat na rin ang mga vendors mula sa temporaryong palengke.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito