SEN. ROBIN PADILLA, IMINUNGKAHI ANG PAG-ABOLISH SA SENIOR HIGH SCHOOL

 

 

isinusulong ni Senador Robin Padilla ang panukalang batas na naglalayong tanggalin ang senior high school (SHS) sa basic education system bilang tugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga pamilyang Pilipino sa ilalim ng K-12 program.

 

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1297 o ang “Abolishing Senior High School Education Act”, iminungkahi ng senador ang pag-amyenda sa Republic Act No.10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013 para pasimplehin ang basic education cycle na kinabibilangan ng kindergarten, anim na taon sa elementarya, at apat na taon sa sekondaryang edukasyon.

 

Ayon sa Senador, bagama't may magandang layunin ang K-12 program na mapabuti ang kalidad ng edukasyon at gawing globally competitive ang mga estudyanteng Pilipino, nananatili itong malaking hamon para sa maraming magulang, lalo na sa gastos.

 

Sinabi rin ni Padilla na pabigat sa mga magulang ang dagdag na pamasahe, tanghalian at school supplies ng kanilang mga anak.

 

Ayon sa panukala, may mga alalahanin din tungkol sa kakayahan ng Senior High School curriculum na ihanda ang mga mag-aaral para sa trabaho o kolehiyo.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito