PNP, KUMPIYANSA PA RIN NA MAAARESTO SINA ATONG ANG AT ZALDY CO


 

Kumpiyansa pa rin ang Philippine National Police (PNP) na mahuhuli ng mga awtoridad ang negosyanteng si Atong Ang at dating kongresista na si Zaldy Co.

 

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang pag-follow up ng mga kinauukulan sa mga lead habang nagsasagawa ng operational plans at inter-agency coordination.

 

Si Ang ay nahaharap sa iba pang warrant of arrest kaugnay ng kidnapping with homicide at kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng mga nawawalang bungangero.

 

Naglabas din ng red notice ang Interpol laban kay Ang noong Abril, habang nag-aalok ng P20 milyon na pabuya para sa anumang impormasyon na hahantong sa pagkakaaresto sa kanya.

 

Habang si Co at iba pang akusado ay nahaharap naman sa warrant of arrest kaugnay sa umano'y maanomalyang P289 million flood control project sa Oriental Mindoro.

 

Noong Abril 16, kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dinala si Co sa Prague pagkatapos na harangin sa hangganan ng Germany, ngunit nabunyag kamakailan na wala na siya sa kustodiya ng mga awtoridad ng Czech at malamang na nasa France.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito