Viral sa social media ang pagrereklamo ng isang netizen tungkol
sa bahay ng yumaong ninong niya sa Cavite na isang dekada na umanong bakante.
Ayon sa post
ni Roy Anthony Añonuevo, hindi nito lubos akalain na biglang magkaroon ng 100
kWh consumption ngayong buwan ng Abril ang nabakanteng bahay ng kaniyang ninong
kahit walang gumagamit ng kuryente.
Wala din
aniyang jumper at hindi na rin gumagana ang kuntador nito. Kung kaya’t labis
ang pagtataka nito kung paano ito nagkaroon ng electric bill.
Batay pa sa
post, mahigit sampung taon nang namayapa ang may-ari ng bahay at maging ang mga
appliances sa loob ng naturang bahay ay hindi na kumukonekta sa kuryente.
Tanong ng
taong bayan:
“Sino ang
nag-charge ng cellphone?”
“Sino ang
nag-Netflix?”
“Mukhang pati
sa kabilang buhay, ramdam ang Summer Heat Wave kaya naki-share sa kuryente si
Ninong!”

0 Mga Komento