PROGRAMANG PAGAANIN ANG MGA UTANG NG MGA DEPED PERSONNEL, ILULUNSAD

 


Nagkaroon ng kasunduan ang Department of Education at Land Bank of the Philippines upang mapagaan ang utang ng humigit-kumulang 1,000 pampublikong guro at non-teaching personnel.

Ayon sa DepEd, maglulunsad ang LANDBANK ng loan assistance arrangement na magbibigay-daan upang ma-refinance ang kasalukuyang mga utang ng mga apektadong kawani mula sa mga private lender.

Layunin ng programa na matulungan ang mga personnel ng ahensya na magkaroon ng mas maayos na take-home pay.

Sa ilalim ng kasunduan, inaprubahan ng DepEd ang waiver ng 0.5% service fee sa remittances.

Dahil dito, ibinaba ng LANDBANK ang interest rate ng loan assistance program mula 7% tungo sa 6.5% kada taon.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito