₱8.3-M SHABU, NASABAT SA NAIA SA LOOB NG ALUMINUM GEAR BEARINGS

 


Timbog ng mga awtoridad ang mahigit ₱8.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng mga aluminum gear bearings sa isinagawang interdiction operation sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa ulat, umagaw ng pansin sa mga awtoridad ang isang kahina-hinalang abandonadong kargamento na nagmula sa Uganda. Idineklara itong “Auto Gear Bearings” at nakapangalan sa isang residente ng Cavite.

Isinailalim sa X-ray screening at masusing manual inspection ang naturang kargamento, kung saan nadiskubre ang hinihinalang ilegal na droga na nakasilid sa loob ng mga aluminum gear bearings.

Tumitimbang ng humigit-kumulang 604 grams at 630 grams, o kabuuang 1,234 grams, ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱8,391,200.

Samantala, nakatakdang i-turn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) national office ang mga nasamsam na ilegal na droga para sa kaukulang disposisyon at karagdagang imbestigasyon.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito