Nakapagtala ng mahigit 4,600 na bagong kaso ng human
immunodeficiency virus (HIV) sa unang tatlong buwan ng taong ito, ayon sa Department
of Health (DOH).
Base sa tala mula Enero hanggang Marso, nakapaglista ng
4,633 na kaso ng HIV, ayon sa HIV and AIDS Surveillance of the Philippines.
Ito ay tumaas ng 9% kumpara sa parehong quarter noong
nakaraang taon.
Ayon sa DOH, mas mataas ang kaso ng HIV sa mga lalaki, kung
saan karamihan sa mga kaso ay naitala sa unang tatlong buwan ng taon sa mga
lalaki, habang 252 lamang sa 4,633 ay kababaihan.
Ang edad ng mga nagpositibo sa naturang sakit ay mula
2-anyos hanggang 77-anyos.
✍️ TERESA IGUID
0 Mga Komento