E-BIKE LOANS, INAALOK NG GSIS

 


 

Dahil sa mataas na presyo ng gasolina, nag-alok ang Government Service Insurance System (GSIS) ng Ginhawa Bike and E-Mobility Loan (GBEL).

 

Sa ilalim ng programa, ang isang kwalipikadong miyembro ng GSIS ay maaaring humiram ng hanggang P300,000.

 

Kailangan lamang bayaran ng miyembro ang utang sa loob ng tatlong taon, na may 5 porsiyentong interes bawat taon.

 

Sa pamamagitan ng nasabing programa, matutulungan ang mga miyembro ng GSIS na makatipid, kasunod ng mahal na gastos sa transportasyon.

 

Maaaring gamitin ng miyembro ang halagang hiniram, para makabili ng mga e-bikes, e-scooter, e-moped, cargo e-bikes, folding e-bikes, at iba pang electric-powered transport units.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito